Kaso ng rabies, tumaas ngayong Setyembre—DOH

Kaso ng rabies, tumaas ngayong Setyembre—DOH

TUMAAS ang naitalang kaso ng rabies sa bansa ngayong buwan ng Setyembre ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH as of September 14, aabot na sa 354 kaso ng rabies ang naitala sa buong bansa.

Mas mataas ito ng 23 percent kung ikukumpara sa naitalang mahigit 280 noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Ang mga kaso ay mula sa National Capital Region (NCR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Bicol Region, Central at Eastern Visayas; Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, at SOCCSKSARGEN.

Dahil dito, patuloy na hinihimok ng DOH ang publiko na maging maingat at ipabakuna ang alagang mga hayop.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble