Kasundaluhan, health workers sa Awang, Datu Odin Sinsuat tulong-tulong sa pagbibigay bakuna vs tigdas

Kasundaluhan, health workers sa Awang, Datu Odin Sinsuat tulong-tulong sa pagbibigay bakuna vs tigdas

SANIB-pwersa ngayon ang 6th Infantry Division at ang mga health worker sa bayan ng Awang sa Datu Odin Sinsuat sa pagbibigay ng bakuna sa mga bata.

Ang naturang hakbang ay naglalayong mapigilan ang pagdami ng kaso ng mga nagkakaroon ng measles o tigdas sa nasabing lugar.

Ayon kay Juliaka Emma Laguiab ng Rural Health Unit ng Awang na tugon ito sa lumalaking banta ng outbreak.

Kaugnay rito sinabi naman ni Col. Romel S. Valencia ng 6ID na kaagapay ng kasundaluhan ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, lalo na ang Ministry of Health ng BARMM sa pagsasagawa ng vaccination kontra measles.

Ang pagbabakuna ay ginawa sa himpilan ng 6ID na nasa Awang, DOS, Maguindanao del Norte na pinangunahan ng Assistant Chief of Staff for CMO, OG7 at mga personahe ng Awang Health Center sa pakikipagtulungan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) Maguindanao del Norte at Camp Siongco Station Hospital.

Matatandaan na inanunsiyo ng Ministry of Health ang malawakang pagbabakuna kasunod ng deklarasyon ng outbreak.

Layunin ng nasabing inisyatibo na matiyak na marami sa mga residente ang magkaroon ng access sa bakuna laban sa tigdas, na siyang magpro-protekta sa kanila mula sa nasabing sakit.

Follow SMNI NEWS on Twitter