Katapangan nina Dr. Badoy at Ka Eric, kinilala ni Vice President Duterte

Katapangan nina Dr. Badoy at Ka Eric, kinilala ni Vice President Duterte

NAGPAHAYAG ng kaniyang suporta si Vice President Sara Duterte kina Dr. Lorraine Badoy at Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz.

Sa isang mensahe nitong Miyerkules, pinasalamatan ni Vice President Duterte ang lahat ng mga sumuporta at nakiisa sa laban nina Badoy at Celiz.

“Maraming salamat sa lahat ng mga Pilipino na sumuporta at nakiisa sa laban nina Dr. Lorraine Badoy at Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz,” pahayag ni Vice President Sara Duterte, Republic of the Philippines.

Matatandaan na noong Disyembre 5, ikinulong sina Dr. Badoy at Ka Eric sa House of Representatives matapos na sila ay manindigan para sa kanilang karapatan sa malayang pamamahayag.

Ayon kay Vice President Duterte, kahanga-hanga ang tapang at tatag na ipinamalas nina Dr. Badoy at Ka Eric para ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang Saligang Batas.

“Kahanga-hanga ang tapang at tatag na ipinamalas nina Dr. Badoy at Ka Eric para ipaglaban ang ating karapatan at itaguyod ang ating Saligang Batas,” dagdag ni VP Duterte.

Aniya simbolo ang dalawa ng isang bayan na naninindigan ng tama at naninindigan para sa tama.

“Simbolo sila ng isang bayan na naninindigan ng tama at naninindigan para sa tama,” diin ni VP Sara.

Kinilala rin ni VP Duterte ang katapangan at katapatan sa bayan nina Dr. Badoy at Ka Eric bilang bahagi ng matagumpay na kampanya ng Duterte administration laban sa terorismo ng insurhensiya sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Mga retired PMA Alumni at dating AFP members na sumuporta kina Badoy at Ka Eric, pinasalamatan ni VP Sara

Samantala, kinilala rin ng pangalawang pangulo ang mga retired Philippine Military Academy Alumni at mga dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines na nanawagan para sa pagpapalaya ng dalawa.

“Kinikilala natin ang mga magigiting na retired Philippine Military Academy Alumni at mga dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines na naglabas ng matapang na panawagan para sa pagpapalaya ng dalawa,” ayon pa kay VP Duterte.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo na ang panawagan ng PMA Alumni at mga kawal ng AFP ay paalala rin sa kahalagahan ng kaayusan, integridad, at maayos na pamahalaan.

“Ang panawagan ng PMA Alumni at mga kawal ng AFP ay paalala rin sa kahalagahan ng kaayusan, integridad, at maayos na pamahalaan,” dagdag nito.

VP Duterte: May kapangyarihan ang bayang nagkakaisa

Pinasalamatan din ni Vice President Duterte ang mga kasapi ng media, social media practitioners, professionals, IP leaders, at iba pang sektor na naging instrumento para mapalaya sina Dr. Badoy at Ka Eric.

Pagbibigay-diin ng pangalawang pangulo na may kapangyarihan ang bayang nagkakaisa para sa pagsulong ng karapatan, para sa katarungan, katotohanan, at sa pagtatatag ng mapayapa at matibay na bayan.

“May kapangyarihan ang bayang nagkakaisa para sa pagsulong ng ating karapatan, para sa katarungan, katotohanan, at sa pagtatatag ng mapayapa at matibay na bayan,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble