Kathryn Bernardo, ibinahagi ang nabuong pagkakaibigan nila ni Dolly de Leon

Kathryn Bernardo, ibinahagi ang nabuong pagkakaibigan nila ni Dolly de Leon

MASAYANG ibinahagi ng aktres na si Kathryn Bernardo ang nabuong pagkakaibigan nila ni Dolly de Leon sa ginawa nilang pelikulang “A Very Good Girl”.

Ayon kay Kathryn, marami itong natutunan kay Dolly de Leon simula palang ‘nung una silang nagsama sa isang pelikula.

Sa kaniyang video message kay Dolly, sinabi ni Kathryn na pahahalagahan nito ang kanilang pagkakaibigan habang nabubuhay ito.

Para naman kay De Leon, iba ang Kathryn na naisip niya noon sa Kathryn na nakilala niya ngayon kaya naman nagpapasalamat si Dolly sa pagkakaibigan nila ni Kathryn dahil napaka supportive, matulungin, at generous nito na aktres.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble