MATAPOS ang ipinatupad na rollback noong nakaraang linggo, bahagyang tataas ang presyo ng produktong petrolyo simula ngayong araw, Martes Enero 9.
Sa abiso ng Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex, tataas ng 10 sentimos ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina, diesel, at kerosene.
May kaparehong taas-presyo rin sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petrogazz, PTT, Unioil, at Jetti Petroleum.
Epektibo naman ang naturang oil price adjustment ng alas-sais ng umaga maliban sa Caltex na alas-dose uno ng hatinggabi at Cleanfuel na alas-kwatro uno ng hapon.