Kauna-unahan at pinakamalaking Sustainable Development Goals Science Museum sa Pilipinas, binuksan na

Kauna-unahan at pinakamalaking Sustainable Development Goals Science Museum sa Pilipinas, binuksan na

PORMAL nang pinasinayaan ang pinakamalaki at kauna-unahang Sustainable Development Goals (SDGs) Science Museum sa Pilipinas.

1) Walang Kahirapan,

2) Walang Kagutuman,

3) Magandang kalusugan at pagkatao,

4) Kalidad na edukasyon,

5) Pagkapantay-pantay ng kasarian,

6) Malinis na tubig at sanitasyon,

7) Mura at malinis na enerhiya,

8) Marangal na trabaho at maunlad na ekonomiya,

9) Industriya, teknolohiya at imprastraktura,

10)  Pagbawas ng di-pagkapantay-pantay,

11) Sustainable na mga lungsod at pamayanan,

12) Responsableng produksiyon at konsumpsiyon,

13) Aksyon sa klima,

14) Buhay sa ilalim ng tubig,

15) Buhay sa lupa,

16) Kapayapaan, katarungan at matibay na institusyon at ang,

17) Pagtatambalan para sa layunin.

Ito ang makikita sa loob ng Change Maker 2024 Museum’

Ang 17 layunin na dapat makamit ng bawat bansa partikular na sa Pilipinas.

Inihayag ni Philippine Amusement and Entertainment Corp. (PAEC) President Lance Tan, naitatag ang museum na ito upang patuloy na bigyan ng kamalayan ang sinumang indibidwal lalo na sa mga kabataaan kaugnay sa global goals na kinahaharap ng bansa.

Nakipagpartner din ang PAEC sa United Nations SDG campaign upang makiisa sa naturang kampanya hindi lamang sa Pilipinas kundi sabay-sabay sa buong mundo.

Dagdag pa ni Tan, ginawa niya ang inisyatibong ito nang siya ay nagsimulang maging Presidente ng JCI Makati, kung saan nakararating siya sa iba’t ibang komunidad ng mga Aeta at dito niya nakita ang maraming suliranin na kinahaharap ng ating mga kababayan kabilang na ang kakulangan ng edukasyon, kawalan ng classroom, palikuran, mga pangunahing pangangailangan sa paaralan, at iba pa.

Ang Change Maker 2040 Science Museum ay matatagpuan sa 88 Square Mall sa Parañaque City.

Maaari ding bumili online ng kanilang tiket.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble