ITINUTULAK ngayon ang isang panukala na gawin sa Agosto 2025 na lang ang kauna-unahang regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa Senate Bill No. 2942 ni Sen. JV Ejercito, layunin niya dito ang magkasabay na sa taong 2028 ang national at BARMM elections at sa susunod pang mga halalan.
Sa tingin naman ng senador ay sapat na ang panahon para makapaghanda ang Commission on Elections (COMELEC) at Bangsamoro Transition Authority sa anumang transaksiyon na may kaugnayan sa magiging BARMM polls.
Sinabi na rin ng senador na ang sinumang naghain ng kanilang kandidatura para sana sa kanilang 2024 BARMM elections ay awtomatikong nominees sakaling mapagbigyan ang panukala sa Agosto ngayong taon.