Kauna-unahang frozen durian products mula Pilipinas naipadala na sa China

Kauna-unahang frozen durian products mula Pilipinas naipadala na sa China

NAGING matagumpay ang exportation ng bansa ng frozen durian meat at durian paste sa China kamakailan sa kauna-unahang pagkakataon.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes, Pebrero 20, 2025, nagkakahalaga ng P8.2M ang nabanggit na exported products.

Noong Pebrero 11 nang maipadala sa Nansha District, Guangzhou, China ang 1,050 kahon ng frozen durian meat at 300 kahon ng durian paste.

Nangyari naman ang exportation deal dahil sa pag-apruba ng General Administration of Customs ng China sa pamamagitan ng Davao-based company na Maylong Enterprises Corporation.

Mula dito ay tiniyak ni Maylong Enterprises Corporation Chief Operating Officer May Li na magpapatuloy ang kanilang suporta sa Pinoy durian farmers upang mapaabot ang produktong Pilipino sa pandaigdigang merkado.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble