Kauna-unahang Lantern Festival at Parade, inilunsad sa Macau

Kauna-unahang Lantern Festival at Parade, inilunsad sa Macau

INILUNSAD ng Kapampangan Association of Macau ang pinakaunang Lantern Festival.

Isa ang Lantern Festival at Parade sa pinakahihintay na holiday event sa Macau.

Ito ang kauna-unahang selebrasyon ngayong taon na magbibigay liwanag sa bansa.

Ang Giant Lantern Festival ay taunang pagdiriwang na ginaganap sa gitna ng Disyembre sa lungsod ng San Fernando sa Pilipinas.

Ang pagdiriwang ay nagtatampok ng kompetisyon ng mga higanteng parol.

Dahil sa kasikatan ng pagdiriwang, ang lungsod ay binansagan na “Christmas Capital of the Philippines”.

Samantala, makukulay na mga parol ang ibinida ng walong grupong nakilahok sa paglulunsad nito sa Macau.

Tinataya namang humigit-kumulang isang libong miyembro ng Filipino Community ang nakiisa sa kauna-unahang Lantern Festival na ito.

Ang festival na dinaluhan ng Filipino Community ay layong ipakilala sa Macau ang hand-made star-shaped Christmas parol na sumisimbolo ng Paskong Pilipino.

Lahat ng parol entries ay ipinakita sa Sintra Park.

Walong grupo ang sumali sa parada, kabilang ang nanalo para sa pinakamahusay na parol.

Pagkatapos ng paligsahan sa parol, nagtipon ang komunidad para sa parol parade.

Sikat na Filipino Christmas carols tulad ng “Ang Pasko ay Sumapit,” at “Pasko na Naman”, ang inawit ng komunidad.

Isang maikling programa ang sumunod sa Saint Agustin Church, kung saan natapos ang parada.

Ang Lantern Festival ay inihandog ng Kapampangan Association of Macau sa pakikipagtulungan sa Saint Agustin Parish, at suportado ng Philippine Consulate General ng Macau.

Sa kanyang pahayag, binanggit ni Philippine Consul General Porfirio Mayo Jr. kung paano naging Filipino Icon of Heritage ang parol.

Pinuri niya ang mga organizer at ang mga miyembro ng Filipino Community sa pagpapanatili ng tradisyong ito sa bahaging ito ng mundo.

Ito ay isa sa mga aktibidad na napili ng embahada upang ipakilala ang makulay at masayang paraan ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Ang hugis-bituin na papel na parol, na ginagamit upang ilawan ang daanan para sa  Misa de Gallo, ay isa na ngayong paboritong lokal na dekorasyon tuwing Pasko na isinasabit sa mga tahanan pati na rin sa mga pampublikong lugar, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang panig din ng mundo na mayroong Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter