ISINAGAWA ng Mandaluyong City Government ang kauna-unahang mass civil wedding sa Mandaluyong City Jail.
Pinangunahan ni Mayor Ben Abalos ang ‘Kasalan sa Piitan’ kung saan 20 lalaking persons deprived of liberty (PDL) ay ikinasal sa loob ng kulungan.
Sa 20 pares na ikinasal sa mass wedding ay may tatlong pares na dati nang nagsasama bago parehas na makulong.
Mayroon namang isang bilanggo na ikinasal sa kaniyang 70-taong gulang na kinakasama.
Ayon kay Mayor Abalos, ang ‘Kasalan sa Piitan’ ay kabilang sa ‘Re-integration, Reformation Program’ ng pamahalaang lungsod at ng city jail sa mga PDL lalo na iyong mga may good conduct time allowance.