Kauna-unahang mega ecozone ng Pilipinas, posibleng itayo sa Palawan

Kauna-unahang mega ecozone ng Pilipinas, posibleng itayo sa Palawan

TINITINGNAN ngayon ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang Palawan para pagtayuan ng kauna-unahang mega economic zone ng bansa.

Ayon kay PEZA director general Tereso Panga, itatayo sa Puerto Princesa City ang nasa 26 na ektaryang ecozone.

Nauuso aniya ngayon sa Southeast Asia ang mga mega ecozone na nakahihikayat ng malalaking investors.

Dagdag pa ni Panga, ang mega ecozone ay magkakaroon ng sariling kuryente, suplay ng tubig at pantalan.

Kaya rin nitong pangasiwaan ang buong supply chain ng electric vehicle industry.

Sa ngayon ay patuloy pa ang pakikipag-ugnayan ng PEZA sa Bureau of Corrections (BuCor) para sa posibleng land development sa Barangay Iwahig kung saan nakalagay ang penal colony ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble