ILALABAS na sa Hulyo 12 ang kauna-unahang solo extended play ng K-pop singer na si Sandara Park.
Ang extended play ay may pamagat din na “Sandara Park” ayon sa Abyss, ang music label ng singer.
Buwan ng Pebrero pa nang ipinaalam ni Sandara ang balitang ito sa kaniyang fans.
Samantala, unang sumikat si Sandara sa Pilipinas nang sumali ito sa talent competition show na “Star Circle Quest” noong 2004.
Nang bumalik ito sa South Korea ay na-debut ito bilang member ng 2NE1, ang isa sa pinakasikat na Korean girl group noong 2009.