Kawalan ng oportunidad at foreign investments, dahilan ng ‘di pag-unlad ng Pilipinas –Rep. Villafuerte

Kawalan ng oportunidad at foreign investments, dahilan ng ‘di pag-unlad ng Pilipinas –Rep. Villafuerte

KAILANGAN nang baguhin ang Konstitusyon para makasabay na sa mga pagbabagong pang-ekonomiya ang Pilipinas.

Ayon kay Camarines Sur 2nd District Rep. Lray Villafuerte, ang hindi pagbago ng Konstitusyon ang sanhi ng kahirapan, kakulangan ng oportunidad at foreign investments sa bansa.

Ipinaliwanag din nito na kailangan ang foreign capital lalong-lalo na sa technological advancement para umusad na ang ekonomiya.

Sinabi pa ni Villafuerte na nararamdaman ng investors na ‘vulnerable’ sila dahil may nangyayaring eleksyon sa Pilipinas bawat 3 taon.

Mas mainam na aniya kung bawat 4 o 5 taon na lang magsasagawa ng eleksyon ang Pilipinas gaya ng ibang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter