MAGIGING susi para mabigyan ng trabaho ang jobless Filipinos sa ipapanukalang National Commission for National Cleanliness ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ayon kay Atty. Kaye Laurente na siyang tagapagsalita ni Pastor Apollo, ito’y kahit ang pangunahing layunin sa naturang panukala ay ang mapanatiling malinis ang buong Pilipinas.
Punto pa ni Pastor Apollo ayon kay Atty. Laurente, maiiwasan na rin ang kriminalidad sa bansa kung malinis ang kapaligiran.
Makikita naman ayon kay Pastor Apollo na kung madumi ang kapaligiran, mistulang iniimbita nito ang kriminalidad.
Ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ay isa namang patunay na ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng maayos, organisado, at payapang kapaligiran.
Follow SMNI News on Rumble