Keepers’ Club International, lumahok sa 13th National Youth Parliamentary sa Davao Oriental

Keepers’ Club International, lumahok sa 13th National Youth Parliamentary sa Davao Oriental

LUMAHOK ang Keepers’ Club International sa 13th International Youth Parliamentary na inorganisa ng National Youth Commission (NYC) sa Mati, Davao Oriental.

Ang 13th International Youth Parliamentary ay naglalayong gumawa ng mga resolusyon na nagpauunlad ng kapayapaan sa mga kabataan at nag-aambag sa pagbuo ng mas matatag at payapang bansa.

Ang nasabing aktibidad ay nagtagal ng tatlong araw mula Nobyembre 20 hanggang 22, na nilahukan ng mahigpit 80 na kabataan mula sa iba’t ibang ibang progresibong grupong nagtutulak ng kapayapaan.

“The learnings I had within the 3-day of the 13th Youth Parliament have a big impact for me. It is because my advocacy has been addressed through crafting resolutions, ordinances and youth resolutions, especially the problems we are currently facing in the localities,” pahayag ni Rustyl Jay Diaz, Compostela-Davao de Oro, PYAP-Davao Region Federation President.

“We are also thankful to the National Youth Commission – Davao Region because it is one way for the voice of the youth to be heard, especially on what they are advocating,” dagdag nito.

Naging makabuluhan at puno ng aral ang naging deskusyon ng mga kabataan partikular na ang Committee on Peace Building and Security, kung saan nagpasa ito ng resolusyon upang hadlangan at sugpuin ang idelohiya ng makakaliwang grupong lumalason sa kaisipan ng mga kabataan.

Umaasa naman ang mga kabataang peace advocates na mabibigyang pansin ang kanilang naisumiting resolusyon.

“Inaasahan ko na makagagawa ito ng mabuti para sa ating mga tagapagtaguyod ng kapayapaan.”

“To help our society and youth to really engage in peace-building activities of our government,” ayon kay Ronabelle M. Festin, Peace Communication Coordinator, Youth for Peace Organizations Davao de Oro.

Samantala, nauna namang binati ng butihing gobernador ng Davao Oriental ang natataong pagdiriwang ng anibersaryo ng Keepers’ Club International sa Nobyembre 23.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Governor Uy sa adbokasiya ng organisasyon, na itinampok ang mahalagang kontribusyon nito sa komunidad.

“Happy 22nd Anniversary of the Keepers’ Club International, this coming 23. Congratulations and thank you for all of your initiatives for our community,” ayon kay Governor Niño Sotero L. Uy Jr. Governor, Davao Oriental.

Ipinakita ng kaganapan ang sama-samang pagsisikap tungo sa paghubog ng magandang kinabukasan para sa kabataan at sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble