Keepers’ Club Int’l, pinangunahan ang Brigada Eskwela sa Imus Institute of Science and Technology

Keepers’ Club Int’l, pinangunahan ang Brigada Eskwela sa Imus Institute of Science and Technology

Nakiisa ang Keepers’ Club International sa Brigada Eskwela ng Imus Institute sa Cavite, bilang bahagi ng adbokasiyang itinatag ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa kalinisan at kabataang may malasakit sa kapaligiran.

Pagdating sa kalinisan, isa si Pastor Apollo C. Quiboloy sa nangunguna sa pagpapanatili at pagpapaganda ng kapaligiran.

Kaya naman itinatag ni Pastor Quiboloy ang Keepers’ Club International para maipaabot sa mga kabataan ang kahalagahan nito. Ayon nga sa Butihing Pastor, “Cleanliness is Godliness”.

At bilang pagtulong sa Brigada Eskwela, hindi pinalampas ng Keepers’ Club International na makiisa sa pagpapatupad nito sa Imus Institute of Science and Technology.

Para kay Zenaida Torres, Program Head & Outreach Program In-Charge ng Imus Institute, napakahalaga ng Brigada Eskwela sa mga kabataan, magulang at mga kasamahan sa paaralan.

Aniya, dito makikita ang paghahanda ng komunidad para mabigyan ng magandang pasimula ang mga kabataan sa nalalapit na pasukan. Dito kasi matututo ang mga kabataan para maging responsable sa kapaligiran.

Dahil dito nagpasalamat, si Torres sa Keepers’ Club International sa magandang hangarin ng organisasyon.

“Ang aking mensahe sa Keepers’, ay unang-una, gusto kong magpasalamat sa inyo dahil bibihira ang organization na ganito para sa mga kabataan, napakaganda ng inyong objective ung mga layunin nyo ung pagtulong sa ating community, bibihira na ang ganyang ngayon, so hinahangaan ko kayo at sana magpatuloy pa ang Keepers’ organization at sana lumaki pa ang mga miyembro at maging visible pa kayo sa community,” ayon kay Zenaida Torres.

Kaugnay nito, sinabi ni Torres na magiging maganda ang future partnership ng Keepers’ Club International sa kanilang paaralan dahil parehong maganda ang bawat layunin ng organisasyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter