Kenya, visa-free na simula Enero 2024

Kenya, visa-free na simula Enero 2024

HINDI na mangangailangan ng visa mula Enero 2024 ang sinumang bisita o turista na tutungo sa Kenya.

Sinabi ni Kenyan President William Ruto, mayroon na silang digital platform para matiyak na makatatanggap ang lahat ng turista o bibisita sa kanilang bansa ng electronic travel authorisation.

Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pang mag-aplay para magkaroon ng visa ang isang indibidwal.

Ayon kay Ruto, hakbang ito ng Kenya upang mas lalago pa ang kanilang turismo at ekonomiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble