Khmer New Year, kinakailangang ipagdiwang sa kanya-kanyang tahanan

KINAKAILANGANG ipagdiwang lamang sa kanya-kanyang tahanan ang Khmer New Year para maiwasan ang transmisyon ayon kay Prime Minister Hun Sen ng Cambodia.

Inanunsyo ni Prime Minister Hun Sen na ang Khmer Traditional New Year na magsisimula sa susunod na linggo mula Abril 14-16 ay kinakailangang ipagdiwang sa kanya-kanyang tahanan lamang.

“Amid the COVID-19 pandemic, the at-home celebration of Khmer Traditional New Year is much safer,”  Pagbibigay-diin ni PM Hun Sen.

Nananawagan naman sa lokal na awtoridad ang pinuno ng bansa na sumunod sa mga hakbang kontra COVID-19 upang maiwasan ang pagkakahawa mula sa sakit. At palakasin ang mga umiiral na batas, na binibigyang diin ang mga batas na hindi pinagtibay upang magbanta sa mga tao.

Sinabi naman nito na magtatapos na ang ban sa interprovincial travel sa Abril-20 pero mayroon pa ring posibilidad na mapalawig kung hindi magbabago ang sitwasyon sa COVID-19.

Samantala, ipinagbabawal na rin sa Phnom Penh ang pagbebenta ng alcoholic na mga inumin at hindi na maaaring magkaroon ng dine-in service sa loob ng 14 na araw.

Sa kabila nito, magiging bukas naman ang mga kainan gaya ng restaurant at coffee shops para sa takeaway service.

(BASAHIN: Angkor Archaelogical Park, maaari nang bisitahin ng nabakunahang turista sa ika-4 na kwarter ng 2021)

SMNI NEWS