SINITA ng Commission on Elections (COMELEC) ang isang kilalang bookstore dahil sa paglalagay ng signage ng election materials essential sa isang branch nito sa Metro Manila.
Maliban kasi sa glue at stamp pads, may mga naka-display rin na money at coin envelopes sa kanilang ibinebentang election essentials.
Agad na sinulatan ng COMELEC ang bookstore at sinabing baka magamit ang mga ito sa mga ilegal na aktibidad gaya ng vote-buying ngayong panahon ng eleksiyon.
Sa ibinahaging liham naman ng komisyon mula sa nasabing bookstore, aalisin na anila nila ang money envelopes sa may naturang signage at nakipag-ugnayan na sila sa lahat ng kanilang branch.
Tiniyak ng nasabing bookstore ang kanilang pagsunod sa rules and regulations ng COMELEC sa panahon ng eleksiyon.