Kilo/s Kyusi binuksan na sa publiko

Kilo/s Kyusi binuksan na sa publiko

PINANGUNAHAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, at Vice Mayor Gian Sotto, ang pagbubukas ng Kilo/s Kyusi na matatagpuan sa Lagoon Fountain Area ng Quezon City Hall Compound ngayong araw, Abril 22, 2024.

Sa panayam ng DZAR SMNI Radio kay Mayor Belmonte, sinabi nito na mabibili ang mga paninda sa murang halaga na P300 per kilo, ang iba naman ay P100 bawat piraso.

Ayon pa sa alkalde, ang mga kikitain sa mga panindang RTW ay makikinabang dito ang Zero Illiteracy Program ng lungsod.

Nanawagan din si Belmonte sa nais mag-donate ng sobra sobra nilang damit na puwede pang maibenta kaysa itapon sa basurahan ay pumunta lang sa Kilos/s Kyusi    bukas mula alas 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble