IBINALITA ni Kim Chiu na nagkamalay na ang kaniyang ate na si Lakam matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa ospital.
Ayon kay Kim, milagro aniya ang nangyayari sa kaniyang nakatatandang kapatid dahil ayon sa mga doktor, sobrang bilis naka-recover ni Lakam.
Kaugnay nito, nagpapasalamat din si Kim sa lahat na mga nagdasal para sa recovery ng kaniyang ate.
Sa ngayon ay hindi pa rin ibinahagi ni Kim kung ano ang sakit ni Lakam.