Kim Jong Un, balak na bumuo ng pangmatagalan na ugnayan sa China

Kim Jong Un, balak na bumuo ng pangmatagalan na ugnayan sa China

SA pakikipagpulong ng pinuno ng North Korea na si Kim Jong Un kay Zhao Leji, isang Chinese top legislator, pinagtibay nito ang posisyong bumuo ng isang pangmatagalang ugnayan sa China.

Ang China ang pangunahing kaalyado at economic lifeline ngayon ng North Korea matapos itong parusahan ng United Nations dahil sa nuclear weapons nito.

Ayon sa KCNA, inaasahan ng North Korea ang patuloy na pagsulong at pagpapaunlad sa matibay na tradisyon ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si Kim kay Chinese President Xi Jinping sa pagpapadala nito ng delegasyon na may mataas na ranggo at isang malaking grupo ng sining.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter