IBINUNYAG ng isang dating lider ng New People’s Army (NPA) na dating sumama sa kanilang grupo si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel.
Ito ang ibinahagi ni Ariane Jane Ramos alyas “Marikit” sa National Task Force to End The Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Si Ramos ay dating secretary ng NPA Fuerrilla Front (GF) 55, Sub-Regional Committee 5 (SRC)-Southern Mindanao Regional Command.
Ayon kay Ramos, sumama si Manuel sa kaniyang yunit para sa isang revolutionary integration at immersion sa Davao noong estudyante pa lamang ito.
Una nang pinuna ng NTF-ELCAC ang pagkakalat ng fake news ni Manuel matapos nitong sabihin ang umano’y planong pambobomba ng militar sa civilian communities sa Rodriguez, Rizal dahil sa engkuwentro sa NPA.
Pero iginiit ni Ramos na “old trick” at “tactic” ng legal front organizations ng NPA ang pahayag ni Manuel.