BIBISITA si King Charles III sa Australia at Samoa ngayong Oktubre.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon muli na aalis sa United Kingdom ang British monarch simula nang ma-diagnose ito ng cancer noong Pebrero.
Nilinaw lang na mananatiling limited ang mga aktibidad ni King Charles III doon sa Australia.
Samantala, hindi na ito bibisita sa New Zealand alinsunod na rin sa abiso ng kaniyang mga doktor.