MAITUTURING na Philippine Landmark ang ginagawa ngayong KJC King Dome sa Davao City.
Isang 75,000 seater indoor grand cathedral na walang poste sa gitna ang proyekto na magbubukas sa 2024.
Nauna nang sinabi ng tanyag na Filipino Urban Planner na si Architect Jun Palafox na maipagmamalaki ng bansa hindi lang ng Davao City ang dambuhalang proyekto.
Ang The Kingdom of Jesus Christ ang nasa likod ng proyekto sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy.