MULING sinuspinde ng Malacañang ngayong araw, Setyembre 3, 2024 ang klase sa ilang mga pampublikong paaralan at pasok ng government offices.
Lalong-lalo na sa Metro Manila at CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).
Ito ay dulot pa rin ng Bagyong Enteng na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa.
Ipinauubaya naman sa pamunuan ng mga pribadong kompanya at opisina ang desisyon kung sususpendihin ang kanilang operasyon.
Samantala, sa North Luzon, walang pasok ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Aparri at Pamplona sa Cagayan at ang buong lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Sa Cordillera Administrative Region (CAR), walang pasok sa Calanasan, Apayao mging ang mga mag-aaral sa public at private, mula pre-school hanggang senior high school sa Baguio City.
Sa Ilocos Region naman ay walang pasok sa ilang lugar sa La Union, Pangasinan, at Dagupan City.
Suspendido rin ang klase sa Central Luzon partikular na sa Aurora Province, ilang lugar sa Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, at Zambales.