Klase sa ilang lungsod, tuloy sa kabila ng tigil-pasada; Transport strike, tinapatan ng libreng sakay

Klase sa ilang lungsod, tuloy sa kabila ng tigil-pasada; Transport strike, tinapatan ng libreng sakay

ILANG lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang hindi sinuspinde ang mga klase sa kani-kanilang mga lugar.

Ito ay sa kabila ng nationwide na tigil-pasada.

Kabilang na rito ang Quezon City, Pasig, Maynila, Taguig, Muntinlupa, Makati, at Navotas.

Ang tigil-pasada, tinapatan lamang ng mga nasabing lokal na pamahalaan ng mga libreng sakay vehicle sa mga rutang posibleng maapektuhan.

Ilang LGUs at paaralan, sinuspinde ang in-person classes dahil sa tigil-pasada

Samantala, may mga paaralan naman na sinuspinde ang kanilang mga face-to-face classes.

Kabilang na rito ang De La Salle University – Manila, University of Sto. Tomas, University of the East – Manila at  Caloocan, National University, San Beda University – Manila at Rizal, Lyceum of the Philippines University, Adamson University, Our Lady of Fatima University – Pampanga at Laguna, at lahat ng branches at campuses ng Polytechnic University of the Philippines.

Ilang lokal na pamahalaan din ang nagkansela ng face-to-face classes kabilang na Caloocan City, Malabon City, Marikina City, Las Piñas, Binangonan Rizal, General Mariano Alvarez Cavite, Pampanga, Santa Rosa Laguna, Calamba City Laguna, Cabuyao City Laguna, at Lingayen Pangasinan.

Follow SMNI NEWS on Twitter