BIBISITA sa Pilipinas ang Warriors Star na si Klay Thompson ngayong Agosto 31.
Ito’y para ma-witness ang finals ng “Shock the Game” Tournament na pinangunahan ng Anta, isang leading brand na Chinese sportswear.
Isasagawa ang finals ng tournament sa SM Megamall Fashion Hall.
May kabuuang 128 teams ang naglalaban-laban ngayong taon para dito.
Noong nakaraang taon kung saan una itong inilunsad ay may kabuuang 64 naman ito na teams.