KOJC legal counsel, itinuwid ang kumakalat na balita na may isinukong baril ang kampo

KOJC legal counsel, itinuwid ang kumakalat na balita na may isinukong baril ang kampo

NAGBIGAY linaw ang abugado ng Kingdom of Jesus Christ kaugnay sa mga baril na ipinagkatiwala sa CIDG nitong Sabado.

Ipinagkatiwala at hindi isinuko!

Ito ang binigyang-linaw ni Atty. Israelito Torreon ang legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ kaugnay sa mga balitang inilabas sa media.

Sabi ni Atty. Torreon, hindi naman kailangang isuko ang mga baril ni Tamayong Barangay Capt. Cresente ‘Enteng’ Canada.

“We entrusted, we would like to correct na sinurrender natin, we entrusted for safe keeping the 21 licensed guns of Brgy Kapitan Cresente ‘Enteng’ Canada even if walang order sa kaniya, even if hindi nakansela LTOPF para maiwasan ang mga salita-salita at mga news item na sumisira sa imahe,” pahayag Atty. Israelito Torreon, KOJC Legal Counsel.

Ang mga baril ay itinurn-over kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 12 Chief PLt Col. Bernard Pagaduan at Major Edgardo Bahan.

Si Canada, na isang gun collector, ay nagdesisyong gawin ang hakbang bilang isang ‘act of good faith’ – patunay na siya at ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ ay walang intensiyong gamitin ang baril para sa karahasan o maging ‘subject’ para maglabas ng search warrant ang mga awtoridad.

“Bakit natin ginawa ito? Ginawa natin ito to dispel rumors that this gun is being used to sow terror or to defend Pastor Apollo C. Quiboloy si Kapitan Canada is a licensed sports collector,” dagdag ni Atty. Torreon.

21 baril na gaya ng pistol at riffle ang ipinagkatiwala ni Canada sa CIDG.

Binigyang-diin ni Atty. Torreon na walang naghain ng reklamo o nagbigay ng rekomendasyon upang bawiin ang lisensiya ni Canada sa mga baril na pag-aari nito.

KOJC members, hindi dapat tratuhing terorista dahil sumusunod sa batas

Nanindigan si Atty. Torreon na dapat hindi tratuhin ng mga awtoridad na terorista si Pastor Apollo C. Quiboloy at mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.

“Kasi po ang mga miyembro po ng Kingdom of Jesus Christ ay hindi naman po terorista at sila po ay complying citizens. They are law abiding citizens and they are not here to sow terror to our country, as a matter of fact they are instrument toward nation-building,” ayon pa kay Torreon.

At isang patunay rito ang nauna nang pagsuko ng mga baril na nasa pangalan ni Pastor Apollo C. Quiboloy kasunod ng inilabas na license revocation ng PNP firearms and explosives office.

Naniniwala ang KOJC legal counsel na wala nang dahilan para maglabas o maghain ng search warrant ang mga awtoridad sa mga property ng Kingdom of Jesus Christ.

“May mga maling impormasyon na may search warrant daw silang i-serve dun sa mga properties ng Kingdom, sana naman po wala na po itong dahilan kasi yung mga lisensiyadong baril ay wala naman pong rekomendasyon to have it cancelled ay inintrust na po namin for safe keeping. Sana naman kung may mga plano na ito ay huwag na nilang ituloy,” aniya.

Follow SMNI NEWS on Twitter