Ilang LGU sa Metro Manila, sinuspinde ng F2F classess ngayong Lunes

Ilang LGU sa Metro Manila, sinuspinde ng F2F classess ngayong Lunes

NAGDEKLARA ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na suspendido ang mga klase sa mga paaralan sa kanilang mga lugar ngayong araw ng Lunes, Mayo 27, 2024.

Bunsod iyan sa masamang lagay ng panahon dulot ng Bagyong Aghon kung saan nananatiling nakataas ang Signal No. 1 sa buong Metro Manila.

Sa Taguig City, suspendido ang mga klase mula Kinder hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at mga pribadong paaralan.

Wala ring face-to-face classes sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Las Piñas City.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter