NAGKAISA ang mga Kingdom of Jesus Christ (KOJC) members sa paglilinis pagkatapos ng KAKISAB Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio, Maynila.
Ito’y alinsunod sa mga pagtuturo ni Pastor Apollo C. Quiboloy na kailangang maging malinis at maayos ang lahat bilang mga responsableng mamamayang Pilipino lalo na sa mga aktibidad na gaya nito.