Mga IP sa Mindanao, nakiisa sa prayer rally bilang pagsuporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Mga IP sa Mindanao, nakiisa sa prayer rally bilang pagsuporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy

MULA Mindanao, bumiyahe patungong Liwasang Bonifacio sa Maynila para makiisa sa isasagawang Kapangyarihan at Kalaayaan Ibalik sa Taong-Bayan (KAKISAB) Prayer Rally ang mga Indigenous People (IPs).

Ayon kay Bawan Jake Lanes, Executive Director ng Mindanao Indigenous Peoples Council of Elders and Leaders, nais nilang ipakita ang suporta kay Datu Pamulingan na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Pinalagan anila ang ginagawang pagdinig ng Senado laban kay Pastor Quiboloy partikular na si Sen. Risa Hontiveros.

“‘Yung ginagawa ngayon ni Senator Hontiveros kay Pastor Quiboloy ay parang ganun din ang nangyayari sa amin kaya nakita namin kung paano inaabuso ng mga iilan na nakaupo sa kapangyarihan ‘yung tinatawag na parliamentary immunity. Ginagamit nila ito hindi para sa aid of legislation, ginagamit nila ito upang siraan lalo na si Hontiveros. Alam naman po natin siya ay may alyansa sa grupong makakaliwa,” pahayag ni Bawan Jake Lanes, Executive Director, Mindanao Indigenous Peoples Council of Elders and Leaders.

“Nakikita natin na para silang diktador nagiging korte, nagiging executioner sa kasong ito ni Pastor Quiboloy. Wala silang binigay na due process para maipaliwanag kung ano ang sinasangkutan at kung ano ang mga accusation nila,” dagdag ni Lanes.

Bukod dito, nakiisa rin sila sa panawagan ni Pastor Quiboloy para ibalik ang kapangyarihan at kalayaan sa taong-bayan.

“Kasama po kami na manindigan para po sa ating kalayaan, para sa pamamahayag, para po sa reporma, para po sa pagpapatibay ng ating konstitusyon, at pagpapalakas ng ating bansa,” ayon pa kay Lanes.

Nasa 14 na milyon mula sa 18 tribo sa Mindanao ang sumusuporta kay Datu Pamulingan Pastor Apollo C. Quiboloy.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter