SANG-AYON si Professor at Political Analyst Ramon Casiple na baguhin ang Konstitusyon subalit hindi dapat pabalik ang sistema.
Sa panayam ng SMNI News, aniya, “forward looking” ang kailangan na Konstitusyon ng Pilipinas at hindi “backward”.
Ayon kay Casiple, wala namang problema kung gagamitin ang dating bersyon ng Konstitusyon subalit ang hindi lang mainam ay kung iangkla na dito ang pagbabago ng bansa.
Kasunod ito sa sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na mainam kung ibalik sa 1935 ang Konstitusyon ng bansa.
Ipinaliwanag ni JPE na mas simple at mas ligtas ang 1935 Constitution.
Sa ilalim din nito ay babalik ang bansa sa two party political system kagaya noong pagkatapos ng World War II.