Konstruksiyon ng 2 istasyon sa QC at Metro Manila Subway, sisimulan na

Konstruksiyon ng 2 istasyon sa QC at Metro Manila Subway, sisimulan na

PINASINAYAAN ang bagong dalawang underground stations para sa kauna-unahang Metro Manila Subway o Underground Railway System sa bansa nitong Biyernes.

Pinangunahan ito ng Department of Transportation at mga opisyal mula sa Japan International Cooperation Agency.

Matatagpuan sa Quezon City ang Quezon Avenue at East Avenue underground station na bahagi ng Contract Package 102 (CP102) at binubuo ng 3.163 km tunnel railway construction.

Nasa bahagi ng Manila Seedlings-NHA ang Quezon Avenue station, habang itatayo naman sa kahabaan ng V. Luna Street ang East Avenue station.

Inaasahan na magsisimula ang konstruksiyon ng dalawang istasyon sa susunod na linggo.

Pinasalamatan naman ni Bautista ang Japan Government.

Ayon sa DOTr na oras na matapos ang subway, mas magiging mabilis at maayos ang biyahe mula at patungong Valenzuela at Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mula 1 at 10 minuto, magiging 45 minuto na lamang ang travel time rito.

May kakayahan ding maka-accommodate ang subway ng 519,000 na pasahero kada araw.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter