Konsulta Package mas pinalawak pa ng PhilHealth

Konsulta Package mas pinalawak pa ng PhilHealth

MAS pinalawak pa ng PhilHealth ang saklaw ng Konsulta Package ngayon.

Ilan sa pangunahing pagbabago ayon kay Dr. Israel Francis Pargas, ang Senior Vice President of the Health Finance Policy Sector ng PhilHealth ay ang para sa kidney transplant.

Mula sa dating P600K lang ay nasa P800K–P2.1M na ang saklaw ng package ngayon.

Samantala, para sa publiko, kasama sa Konsulta Package ang libreng medikal na konsultasyon at 15 mahahalagang diagnostic services tulad ng blood test, at X-ray.

Maging ang mammography at breast ultrasound.

Saklaw rin nito ang 21 maintenance na gamot para sa mga karaniwang kondisyon gaya ng diabetes, altapresyon, bronchial asthma, at mga mild infections.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble