Kumpirmadong mga kaso ng Mpox naitala sa Visayas, Davao City

Kumpirmadong mga kaso ng Mpox naitala sa Visayas, Davao City

HINDI bababa sa tatlong kaso ng Mpox ang naitala sa Visayas.

Sa datos, may tig-iisang kumpirmadong kaso sa Talisay City, Cebu, at sa Iloilo City, Iloilo.

Sa pahayag ni Talisay City Mayor Gerald Anthony Gullas, isinailalim na agad sa isolation ang nagpositibong pasyente kung kaya’t hindi na aniya kinailangang magsagawa ng masusing contact tracing.

Nilinaw naman ng alkalde na bagamat pumanaw ang pasyente, hindi Mpox ang direktang sanhi ng pagkamatay kundi komplikasyon mula sa ibang sakit.

Sa Iloilo City, sinabi ni City Health Office Head Dr. Mary Ann Diaz, nagsasagawa na sila ng contact tracing.

Samantala, isa namang pinaghihinalaang kaso ng Mpox ang mino-monitor sa Mandaue City, Cebu at apat pang hinihinalang kaso sa Iloilo City.

Sa kabilang banda, nakapagtala na rin ng anim na kumpirmadong kaso ng monkeypox ang Davao City.

Ito ang kinumpirma ng Davao City Health Office sa programang Madayaw Dabaw batay sa kanilang datos hanggang ngayong araw, Mayo 30, 2025.

Kabilang na dito ang dalawang kaso na unang na-ireport nitong nakalipas na abril.

Sa ngayon, stable na ang kalagayan ng mga pasyente.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble