Kontribusyon ng SMNI sa kontra insurhensiya, kinilala ni Sen. Bato dela Rosa

Kontribusyon ng SMNI sa kontra insurhensiya, kinilala ni Sen. Bato dela Rosa

SA gitna ng nanganganib na prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa imbestigasyon sa Kamara ay kinilala naman ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang kontribusyon ng SMNI sa nation-building.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Sen. Bato na ang SMNI lamang ang natatanging istasyon sa bansa na walang takot na lumalaban sa local communist terrorist group na CPP-NPA-NDF.

Giit ng mambabatas dapat suportahan ang SMNI dahil sa aniya’y napakalaki rin nitong suporta sa programa kontra insurhensiya ng bansa, partikular na sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Matatandaan na nanganganib ma-revoke ang prangkisa ng SMNI kasunod ng kontrobersiyal na pag-detain ng Committee on Franchise ng Kamara kina dating Usec. Lorraine Badoy at Jeffrey “Ka Eric” Celiz na anchors ng SMNI sa programang “Laban Kasama ang Bayan” na nakatutok sa pag-expose sa operasyon ng CPP-NPA-NDF.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter