Kontrobersiya sa 2025 Bicam Report patuloy na umiinit; Oral arguments vs 2025 Bicam Report nakatakda sa Abril

Kontrobersiya sa 2025 Bicam Report patuloy na umiinit; Oral arguments vs 2025 Bicam Report nakatakda sa Abril

HINDI pa rin nawawala sa isipan ng publiko ang isyu ng 2025 Bicameral Conference Committee Report.

Sa katunayan, may mga kasong isinampa sa Ombudsman laban sa mga sinasabing grupo na nasa likod ng kontrobersiyang ito.

Sa isang panayam kay dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, isa sa mga petitioner laban sa 2025 Bicam Report, sinabi niyang nakatakda ang oral arguments kaugnay ng kaso mula Abril 1 hanggang Abril 3 sa Baguio City.

Bagamat isang araw lamang ang itinakdang pagdinig, mukhang hindi ito magiging sapat dahil sa dami ng ilalatag na argumento, ang magiging sagot ng mga respondent, at ang posibleng mga katanungan mula sa hukuman.

Dahil dito, ipinag-utos ng Korte Suprema ang pagdalo ng Chairman ng Committee on Appropriations na si Cong. Estella Quimbo, pati na rin ang mga kawani ng Senado at Mababang Kapulungan na miyembro ng Technical Working Group.

“At ito’y mahalaga sapagkat matatandaan ninyo noong una itinanggi nilang may blangko sa bicameral conference committee report, subalit nung hindi na nila maitanggi inamin nila na may blangko at ang itinuturo ay ministerial duty na lang daw ang natitira. Kaya hinayaan na lamang sa mga miyembro ng technical working group ng Senado at Mababang Kapulungan ang pag-fill-up ng 28 blanks na nagkakahalaga ng higit-kumulang P241B,” saad ni Atty. Vic Rodriguez, Petitioner Vs 2025 Bicam Report.

Mahalaga nga aniya ang kanilang presensiya upang malinawan ang pangunahing katanungan kung paano naipasa ang taunang budget kung marami itong blangkong bahagi sa ipinasang Bicam Report.

Kabilang din sa mga nais busisiin sa national budget ang zero funding sa PhilHealth ngayong taon.

Malinaw na ang mga kontrobersiyang ito ay magkakaugnay, at ang pangunahing apektado dito ay walang iba kundi ang mamamayang Pilipino.

“It all depends kung gaano ka-sensitive ang kasalukuyang administrasyon. But I think at the rate they are going, insensitive ito, walang pakialam sa pakiramdam ng ordinaryong Pilipino. I don’t think they will restore the fund anytime soon. I am not even sure if they will be humble enough to admit they committed a mistake here dahil alam naman natin na pagka inamin nila ‘yan at nag-restore sila, that would be tantamount to admission of guilt. At alam din nila, ang kasunod niyan ay criminal case or cases,” ani Rodriguez.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble