Kontrobersyal na P1.3-B lighting project sa Mayon Volcano, kanselado na

Kontrobersyal na P1.3-B lighting project sa Mayon Volcano, kanselado na

KANSELADO na ngayon ang Mayon Volcano Heritage Aesthetic Lighting Project matapos itong umani ng batikos mula sa publiko.

Layon sana ng proyekto na nagkakahalaga ng isa punto tatlong bilyong piso na mapaganda ang bulkan lalo na sa gabi.

Pero ayon sa publiko, simbahan, at mga grupong pangkalikasan, hindi na kailangang palagyan ito ng ilaw sa gabi upang mapansin ang ganda nito.

Perpekto na anila ang likas na kagandahan ng Mayon Volcano sa Albay.

Ayon kay Acting Governor Baby Glenda Ong Bongao, hindi isinasaalang-alang ng infrastructure and enterprise zone authority (TIEZA), na nangangasiwa sa proyekto, ang pagiging UNESCO Biosphere Reserve ng Albay at ang nominasyon ng Mayon bilang UNESCO World Heritage site sa kategoryang Mayon Volcano Cultural Landscape.

Dahil dito, iginiit niyang dapat nang itigil ang proyekto.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble