HINDI na kakailanganin pang sumailalim sa mandatoryong PCR testing ang mga indibidwal na dumadating sa South Korea mula sa China.
Simula Marso 1, ang mandatoryong PCR testing sa COVID-19 pagdating ng South Korea sa mga indibidwal na mula sa China ay mawawala na.
Sa pamamagitan ng hakbang na ito, ang mga indibidwal mula China ay maaari na ring lumapag sa ibang paliparan maliban sa Incheon.
Ibig sabihin din nito, ang hakbang na magtatapos ngayong katapusan ng Pebrero ay hindi na palalawigin pa.
Sa kabila nito ang mga lilipad mula China ay kinakailangan pa ring magsumite ng negatibong COVID-19 test result at kinakailangan na irehistro ang kanilang sarili sa quarantine information pre-entry system ng Korea na tinatawag na Q-Code hanggang Marso 10.
Sa ngayon ay patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa South Korea.
Ang daily average na bilang ng mga bagong kaso sa ikatlong linggo sa buwan ng Pebrero ay bumaba na lamang sa higit 11 libo.
Ang hakbang na ito ay inilabas 2 linggo matapos na ibalik ng Seoul ang pamamahagi ng short term visa sa mga manlalakbay mula China.