HUMARAP si South Korean actor, creative director, at gallerist Uhm Hong-sik o mas kilala sa pangalang Yoo Ah-in sa pulisya para sa pagtatanong sa mga alegasyon ng paggamit ng iligal na droga.
Si Yoo ay isinailalim sa isang pagsisiyasat matapos ihayag ng Ministry of Food and Drug Safety na ang kaniyang mga reseta na pagbili ng propofol para sa mga di-medikal na layunin ay masyadong madalas mula noong 2021.
Nauna nang ipinadala ng pulisya ang kaniyang mga sample ng buhok at ihi sa National Forensic Service para sa mga pagsusuri, at si Yoo ay nagpositibo sa marijuana, cocaine at ketamine.
Sa ngayon ay nasa Seoul Metropolitan Police Agency na si Yoo para sa isang masusing imbestigasyon habang hindi naman ito tumugon sa anumang mga katanungan mula sa mga mamamahayag.