Korean Pres. Yoon Suk Yeol, ipapa-impeach kung hindi inalis ang Martial Law sa South Korea

Korean Pres. Yoon Suk Yeol, ipapa-impeach kung hindi inalis ang Martial Law sa South Korea

IPAPA-impeach ng Democratic Party sa South Korea si President Yoon Suk Yeol kung hindi nito inalis ang ipinatupad na Martial Law sa bansa.

Sa pahayag ng nabanggit na partido, hindi anila hahayaan ang kanilang pangulo na sirain ang kanilang Konstitusyon at yurakan ang kanilang demokrasya.

Sa partido naman ng South Korean President na People’s Power Party, humingi na sila ng paumanhin hinggil dito.

Sinabi rin nila na mainam kung tanggalin sa puwesto ang defense minister ng bansa dahil ito ang nagmungkahi ng Martial Law na ipinatupad nga gabi ng Martes, Disyembre 3.

Idineklara ni Pres. Yoon ang Martial Law matapos inakusahan nito ang Democratic Party na nakikisimpatiya sa North Korea at pumapabor sa anti-state activities ng mga ito.

Agaran namang niresolba ng mga mambabatas ang sitwasyon kung kaya’t inaalis lang din ang deklarasyon madaling araw nitong Miyerkules, Disyembre 4.

Huling ipinatupad sa South Korea ang Martial Law noong taong 1980.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble