GAGAWAN ng isang album ang koronasyon ni King Charles ng Britanya sa Mayo 6.
Ayon sa Decca records, gagawa sila ng record sa gagawing service sa Westminster Abbey at tatawagin itong “The Official Album of the Coronation”.
Ilalabas naman ito agad para sa streaming at download sa mismong araw habang ang physical version nito ay ilalabas sa Mayo 15.
Lahat ng kaganapan sa coronation ni Britain’s King Charles ay isasama sa nasabing album.
Sinabi rin ng Decca records na ang “The Official Album of the Coronation” ay magdadala sa lahat ng manonood sa totoong kaganapan ng koronasyon at maipakita ang kanilang ipinagmamalaking tradisyon.