Kosovo, umaapela sa Serbia na itigil ang destabilisasyon sa kanilang bansa

Kosovo, umaapela sa Serbia na itigil ang destabilisasyon sa kanilang bansa

UMAAPELA ang Kosovo na ihinto na ng Serbia ang mga aktibidad nito na magiging sanhi ng destabilisasyon sa kanilang bansa.

Sinabi ni Kosovo President Vjosa Osmani, nag-ugat ito sa hindi pagkilala ng Serbia na isang bansa ang Kosovo at may sarili itong soberanya.

Ibinahagi pa nito na masyado nang intense ang sitwasyon sa Kosovo.

Hirit ng Kosovan President, kung ninanais aniya ng Serbia ang totoong kapayapaan, dapat ihinto na nito ang pagsuporta ng criminal gangs.

Follow SMNI NEWS in Twitter