Krimen sa POGO operations, isang virus na makakaapekto sa peace and order ng bansa –Rep. Garin

Krimen sa POGO operations, isang virus na makakaapekto sa peace and order ng bansa –Rep. Garin

PINANGAMBAHAN ng isang kongresista ang paglipana ng krimen dahil sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin, magkakaroon ng hindi magandang impresyon ang bansa sa mga nais mamumuhunan dito.

“Marami ang gusto pumasok na investors pero siyempre kung ipinagkakalat na magulo sa Pilipinas maski hindi naman totoo, maski isolated naman ito eh nagkakaroon ng taint or lamat yung impression ng mga investors sa ating bansa,” pahayag ni Garin.

Ang pahayag ni Garin ay kasunod ng pagkakaligtas ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group sa 42 Chinese national na ikinulong sa loob ng isang establisimyento ng POGO sa Angeles City, Pampanga nitong nakaraang linggo.

Maliban sa nasabing insidente, marami ring krimen ng kidnapping sa mga Chinese nationals ang nauugnay rin sa POGO.

“So if POGO will be totally banned, or it will be highly and strictly regulated then the taxes that we’ll be generating from the investors coming in will not only suffice kung hindi lang naman tatapat kundi malalamang pa lalo yung mga mawawalang buwis,” ayon kay Garin.

Inihalintulad naman ni Garin ang POGO sa virus na patuloy na lumalala at kung hindi ito maagapan, makakaapekto sa peace and order ng Pilipinas ang POGO related crimes.

“The Chinese government is really very angry at POGO operators because they feel that POGO operations is like a virus inflicting wrong moral values among their citizens. At yung mga nandito nagtatrabaho sila siyempre pagnawalan sila ngayon at inipit sila ng kanilang gobyerno at wala na silang identity, they are already stateless magiging problema na sila sa atin,” ayon pa ni Garin.

Planong paimbestigahan naman ng Senado ang estado ng POGO sa bansa.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, susuriin sa pagdinig ngayong linggo ng Senate Committee on Ways and Means ang isyu.

“I’ll have a hearing on Thursday on the revenue and economic benefits, or the lack of it, about POGO,” pahayag ni Gatchalian.

Imbitado sa gagawing hearing ang Department of Finance (DOF), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

 

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Pilipinas, hindi na ligtas sa POGO ayon sa ilang senador

Crackdown sa ilegal POGO, makakatulong sa pagnenegosyo sa bansa ayon sa pulisya

POGO, mainam na i-ban sa Pilipinas – mambabatas

Follow SMNI News on Twitter