Kristaps Porzingis, maglalaro para sa Boston Celtics

Kristaps Porzingis, maglalaro para sa Boston Celtics

MAGLALARO na para sa Boston Celtics si Kristaps Porzingis.

Ito ang inanunsiyo ng Boston Celtics na kasama na sa kanilang pinakabagong roster si Porzingis.

Nakuha si Porzingis mula sa Washington Wizards bago pa man ang NBA draft.

Hakbang na rin ito ng Celtics matapos napunta sa Memphis Grizzlies ang veteran player nila na si Marcus Smart.

Sa parte ni Porzingis, excited na itong makapaglaro para sa Celtics lalo na aniya, isa itong napakagandang koponan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter