TINALO ng Miami Heat ang Boston Celtics sa iskor na 103-84 para makapasok ito sa NBA Finals.
Para maipanalo ang Miami, nag-ambag si Jimmy Butler ng 28 points habang 26 points naman ang kay Caleb Martin.
Dahil dito, makakalaban ng Miami sa June 1 ang Denver Nuggets para sa NBA Finals.
Samantala, pinangunahan naman ni Jaylen Brown ang Boston sa iskor na 19 points at 8 rebounds.
Nag-ambag din ng 18 points si Derrick White habang 14 points at 11 rebounds ang kay Jayson Tatum.
