Kuh Ledesma, magsasagawa ng concert ngayong buwan

Kuh Ledesma, magsasagawa ng concert ngayong buwan

MAGSASAGAWA ng concert si Pop Diva Kuh Ledesma ngayong Nobyembre 25.

Ang concert ay may pamagat na “I Love OPM” at gaganapin ito sa Music Museum sa Greenhills.

Ayon kay Kuh, ang concert ay isang pasasalamat niya sa lahat na composers at musicians na kaniyang nakatrabaho sa loob ng napakaraming taon.

Magiging guests naman sa “I Love OPM” concert ay sina Marco Sison, Janno Gibbs, Mark Carpio, Kathy Mas, at Mitch Valdes.