UNANG lumabag ang Kuwait government sa mga kontrata nito sa Pilipinas kaugnay sa overseas Filipino workers (OFWs).
Sa panayam ng SMNI News kay Atty. David Castillon, ang founder ng Special Alliance of Welfare Officers, Advocates, Recruiters and Migrant Workers Inc. (SWARM), bukod sa bilateral labor agreement, 3 kontrata pa ang nalabag na pinipirmahan ng isang OFW bago umaalis ng bansa.
Kabilang rito ang recruitment violation, employment contract at recruitment service agreement.
Nanawagan naman ngayon ang abogado sa mga mambabatas at sa namumuno sa Department of Migrant Worker (DMW) na bigyang-pansin ang nasabing mga paglabag.
Binanatan din ni Castillon ang sinasabing hindi kawalan ang entry ban sa Kuwait dahil kung tutuusin ay napakaraming Pilipino ang umangat ang buhay dahil sa tulong ng nasabing bansa.
Ang Kuwait din ang tumulong sa Pilipinas nang nagpataw ito ng ban sa Saudi Arabia.