MAG-alas sais ng umaga ngayong Martes, nang binulabog ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon ang mga residente sa paligid nito.
Tumatagal ng halos isang oras ang pagbubuga nito ng makapal na usok na umabot sa apat na kilometro ang taas.
Kasunod ng panibagong pag-alboroto ng bulkan, kanselado ang pasok sa paaralan maging ang trabaho sa ilang lugar na malapit dito.
Sa La Carlota City, Negros Occidental, kitang-kita ang ash fall na dulot ng pagsabog.
Halos mag-kulay abo ang buong lugar na ito.
Dahil naman sa kapal ng abo na idinulot nito, pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa lugar na kung maaari ay huwag munang lumabas ng pamamahay at tiyaking magsuot ng face mask.
Bago ang pagsabog, nagtala ang Bulkang Kanlaon ng 14 na volcanic earthquakes.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon mula noong Disyembre 9, 2024.
Mahigit ding ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok nito.